felt like home ❤️❤️
*Tagalog*
Last December 18, nagpunta kami ng Baguio City para sa aming thesis. Nag conduct kami ng survey sa mga residente doon. Di namin maeenjoy ang 4 days 3 nights namin kung hindi maganda ang accommodation. Buti nalang talaga, maganda! Hahaha! Yung feeling na pagod na pagod ka maghapon tas pagdating sa transient, parang bahay pa kaya ang sarap magpahinga? Nakaka feel at home ang vibe ng transient.
Andito ulit ako para ishare sa inyo ang napakamura pero napakalinis at gandang transient sa Baguio.
PANAGBENGA FESTIVAL --- isang festival na ginaganap sa
Baguio City tuwing Pebrero. Dumadagsa ang libo libong turista sa iba’t ibang
lugar sa Pilipinas… isama na rito ang mga dayuhan para mapanood ang napakakulay
at napakagandang mga float ng bulaklak na pumaparada sa kahabaan ng Session
Road.
Dahil dito fully-booked na ang mga hotels o ano mang tuluyan
malapit sa town.
Karamihan sa mga accomodations ‘pag gantong may occasion o
peak season.. nagtataas ng presyo, pero ibahin niyo sa transient na to! Mura na
mafifeel at home ka pa dito, bes! XD
Kung may sasakyan kayo at ang daan niyo ay Kennon Road
patungong Baguio City, madadaanan niyo itong transient na ‘to! Paglagpas ng
palengke at ng tulay sa may Camp 7, sa may kaliwa makikita niyo ang Dicman’s Water Station or
Aquatranz and voila! Andun na kayo! (or use waze hihi)
(these pictures are taken by me during our stay there)
room 1 |
room 2 |
hot and cold shower |
Dicman’s Transient House (wala po silang name, ginawa ko
lang yan hahaha)
- 10 minutes papuntang town (iwas sa madaming tao. probinsya feels talaga)
- safe (w/ cctv and parking)
- may malapit na palengke
- may malapit na sakayan papuntang town (taxi and jeepneys)
- mababait ang mga tao lalo na yung may-ari
- pwede magluto, plus 100 para sa gas, WHOLE STAY na yun! ;)
- may hot and cold shower
- kumpleto na yung gamit pang kain, pang luto, pang hugas (sponge and dishwashing liquid), at pang ligo (shampoo at sabon) XD (oo bes prinovide na nila lahat!! XD toothbrush nalang dalhin mo)
- may drinking water na din
- may tv, wifi, initan ng tubig
- solo niyo yung bahay (2 rooms)
- at higit sa lahat P250/night/pax lang!!!
Complete list:
P350 for 2pax | P300 for 3pax upto 5pax | P250 for 6pax and
up
Mag hohotel ka pa ba na mahal, kung dito lang sobrang mura
na?? Ipangbili mo nalang ng Strawberry Taho at ipang Night Market yung sukli sa
budget mo para sa accommodation! XD
Address: Camp 7, Monticello Road, Baguio City
Number: 09219800367
Contact Person: Mrs. Remedios Dicman
/// IM POSTING THIS BECAUSE WE WERE SATISFIED ON THEIR
SERVICES WHEN WE WERE ON BAGUIO FOR OUR THESIS SURVEY LAST DECEMBER 18 (4D3N).
THANK YOU MR. AND MRS. DICMAN FOR YOUR KINDNESS.
Thank you for reading!! :)